Ano ang mga Rehiyon sa Pilipinas? Luzon, Visayas,

阅读: 17 发表于 2024-06-25 07:57

 

Binubuo ng mahigit 7,107 na isla ang Pilipinas. Isa sa mga naging suliraning heograpikal ng ating bansa ay ang katotohanang napalilirigan tayo ng anyong tubig na isa sa mga balakid upang
tayo ay mapamunuan ng maayos. Upang masolusyonan ang naturang suliranin, sa
pamamagitan ng Presidential Decree No.1 noong 1972 sa ilalim ng pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ay nabuo ang mga rehiyon. Rehiyon ang tawag sa paghahating administratibo na naglalayon na maging maayos ang pamamahala sa bawat lalawigan sa Pilipinas. Binubuo ng labingwalong rehiyon ang ating bansa sa kasalukuyan. Ang mga sumusunod ay ang kasalukuyang mga rehiyon na umiiral sa ating bansa:


I. LUZON

A. Pambansang Punong Rehiyon o National Capital Region (NCR)

Sa pamamagitang ng Presidential Decree No. 824 ay nabuo ang NCR na siyang naging kabisera ng ating bansa. Binubuo ito ng mga siyudad ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig, at Valenzuela.


B. Rehiyon I (Rehiyon ng Ilocos)

Ang mga bumubuong lalawigan ay ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan


C. Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera o Cordillera Administrative Region (CAR)

Abra, Apayao, Baguio, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province naman ang bumubuo sa
bulubunduking reihyon ng Cordillera.


D. Rehiyon II (Rehiyon ng Lambak Cagayan)

Kabilang ang mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, at Quirino sa rehiyon ng Lambak Cagayan.


E. Rehiyon III (Gitnang Luzon)

Sakop ng Gitnang Luzon ang mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.


F. Rehiyon IV-A (CALABARZON)

Ang CALABARZON ay kumakatawan sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.


G. Rehiyon IV-B (MIMAROPA)

Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan ang mga lalawigang bumubuo sa MIMAROPA.


H. Rehiyon V (Kabikulan)

Sakop ng Kabikulan ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.



II. Visayas

A. Rehiyon VI (Kanlurang Visayas)

Sakop ng kanlurang Visayas ang mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Roxas ang mga lalawigan sa kanlurang Visayas. Itinalaga ang Iloilo City bilang bilang sento ng naturang rehiyon.


B. Rehiyon VII (Gitnang Visayas)

Ang lalawigan ng Cebu, Bohol, at Siquijor ang bumubuo sa Gitnang Rehiyon,


C. Rehiyon VIII (Silangang Visayas)

Kabilang sa Silangang Visayas ang mga lalawigan ng Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte.


D. Rehiyon ng Pulo ng Negros o Negros Island Region (NIR)

Nito lamang 2015 naging isang rehiyon ang mga lalawigan ng Negros Oriental, Negros Occidental, at Bacolod.



III. Mindanao

A. Rehiyon XI (Tangway ng Zamboanga)

Sakop ng Tangway ng Zamboanga ang mga lalawigan ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.


B. Rehiyon X (Hilagang Mindanao)

Kabilang ang Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental sa
lalawigan ng Hilagang Mindanao.


C. Rehiyon XI (Rehiyon ng Davao)

Ang mga lalawigan ng Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao Oriental ang
bumubuo sa rehiyon XI.


D. Rehiyon XII (SOCCSKSARGEN O SocSarGen District)

Ang SOCCSKSARGEN ay halaw sa mga una hanggang tatlong letra ngmga lalawigan ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, at General Santos City.


E. Rehiyon XIII (CARAGA)

Sakop ng rehiyong CARAGA ang mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.


F. Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao o Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)

Ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Shariff Kabunsuan, Sulu, at
Tawi-tawi ang kabilang sa rehiyon ng ARMM.



Sanggunian: Oliveros, R. et. al. 2011, "Ang Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas"

热点推荐

最新发布

友情链接