(PDF) LEBEL NG KAKAYAHAN SA PAGKILALA AT PAGGAMIT

阅读: 11 发表于 2024-06-15 14:49

 

JANEN M. VILLAHERMOSA, JULIUS A. MORITE, ANGELICA D. MARTIZANA, JENNELYN Z. MOAJE, JESSICA G. CABANGON. College of Teacher Education, Occidental Mindoro State College-Main Campus, San Jose, Occidental Mindoro, Philippines, March 2015. LEBEL NG KAKAYAHAN SA PAGKILALA AT PAGGAMIT NG MGA ANTAS NG WIKA SA GRADE 8 NG OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE-HIGH SCHOOL LABORATORY. Tagapayo: Haide B. Asilo, MAT Ang wika ay katulad ng isang magarang sasakyan, malayo ang mararating ngunit kailangan ng mahusay at maingat na pagpapaandar upang ang sakay ay makarating nang maayos at ligtas. Gaya ng pagkakaroon ng kamalayan at kaalaman sa paggamit ng mga antas ng wika na isang abilidad upang madaling maiangkop ang sarili sa bawat panahon at sitwasyon. Nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga salitang gagamitin sa anyong pasulat. Nagiging epektibo at makabuluhan ang mga katha kung may sapat na dunong sa mga wikang gagamitin. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Pagkilala at Paggamit ng mga Antas ng Wika. Naglalayon itong malaman kung may sapat na kaalaman ang mga mag-aaral ng OMSC-High School Laboratory sa “Antas ng Wika.” Gayundin upang malaman kung may makabuluhang kaugnayan ba ang Lebel ng Pagkilala at Lebel ng Paggamit ng mga mag-aaral sa mga Antas ng Wika. Ang pag-aaral ay gumamit ng disenyong palarawan (descriptive) upang ilarawan ang Lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit at pagkilala ng mga Antas ng Wika. Ang mga kalahok ay pinili sa paraang Purposive Sampling. Talatanungan ang ipinagamit ng mga kalahok sa pagkalap ng mga datos. Ang mga kalahok ay binubuo ng 21 mag-aaral. Ang estadistikang ginamit ay Percent Formula at Pearson Product Moment Correlation. Percent Formula upang makuha ang bahagdan sa Lebel ng Pagkilala at Lebel ng Paggamit ng mga Antas ng Wika ng mga kalahok at Pearson Product Moment Correlation Coefficient upang malaman kung may makabuluhang kaugnayan ba ang Lebel ng Pagkilala at Lebel ng Paggamit ng mga Antas ng Wika ng mga mag-aaral sa OMSC-High School Laboratory. Napag-alaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon: Ayon sa bahagdan at frikwensi ng mga kalahok ukol sa kanilang lebel ng kakayahan sa pagkilala ng mga antas ng wika ay makikitang malaking porsyento ng mga mag-aaral ang nagkamit ng markang mataas mula 24-30 na may interpretasyon na napakahusay, nangangahulugang may kakayahan ang mga kalahok na kilalanin ang mga antas ng wika. Makikita sa bahagdan at frikwensi ng mga kalahok ukol sa kanilang lebel ng kakayahan sa paggamit ng mga antas ng wika ay makikitang malaking porsyento ng mga mag-aaral ang nagkamit ng markang mataas mula 18-30 na may parehong frikwensi na sampu (10) na may interpretasyon na napakahusay at mahusay, nangangahulugang may kakayahan ang mga kalahok na gamitin ang mga antas ng wika sa paraang pasulat. Napatunayan na mahalaga ang kaugnayan ng dalawang baryabol sa antas na 0.676. Sa madaling sabi, kasabay ng pagkilala ng mga mag-aaral sa mga antas ng wika ay kakayahan nilang gamitin ito sa mga angkop na pangungusap.

热点推荐

最新发布

友情链接